Monday, February 6, 2012

High School Hang Out





















I just miss my library times when I was in high school. This is the most unforgettable place for me during that time. Every break time and lunch time, I stay there to read my fave books or study my subjects. I checked a while ago my multiply site if the link still works. It does not work anymore. Good thing, I typed my name in the google search engine and my essay for library still exists. However, it has new link: http://library.ust.edu.ph/usths3.htm :)

High School Poems

During my high school days, I wrote some poems. I posted them in my friendster blog. However, friendster had some circumstances that my blogs and posts in their site were all deleted. Now, I will repost them :)

Kay Inay

Sa tuwing tinitingnan ko ang larawan
nang minamahal ko sa papel na luma,
na pinagmulan ng aking kasiyahan,
at simbolo ng tunay kong katuwaan.

Bawat minuto siya’y nasa isip ko
hindi siya mawala sa aking puso,
lagi kong hinahanap ang kanyang anyo,
at ang kanyang mga ibig ay aking gusto.

Pinalaki niya ako ng may husay
kasama na rin ang malay na binigay,
kanyang tinuro na ang pag-ibi’y tunay,
na galing sa aking mahal na si inay.

Pinakita ang mga gawain ng tama,
na ngayon ay aking naaalala pa,
itinago niya ang kanyang mga luha,
at kasama na rin ang kanyang mga dusa.

Kahit ngayon ako’y malayo sa kanya
pinagbubuti ko ang aking sarili,
nag-aaral ng may ayos sa Maynila
upang maipakita ang aking ganti.

Malungkot kapag di ko siya kasama
at mahirap mawalay sa isang ina
minsan ang aking nawiwika sa kanya,

“Ako po’y hirap na hirap ngayon, Ina
”Kanyang sagot na laging inaasahan
sa tuwing ako’y kanyang tinatawagan,
“Para sa iyo ang aking ginagawa,”
na dahilan ng mahaba kong pagluha.

Lumipas ang mga araw ng kalungkutan
nanumbalik ang aking kaligayahan
sa tulong ng kanyang totoong paggabay,
tama si ina ako’y sasayang tunay.

Sa pamumuhay ko ng tahimik dito
aking nasilayan ang ibang mga lilo
na may gawaing kamalian sa tao,
aking naalalang muli si ina ko.

At sa huli, ako’y nagpapasalamat
sa ina kong may buti, tuwa at tapat,
ang iyong aral ay di ko malilimut
na pinagmulan ng aking mga pangarap.



Environment

Butterflies go anywhere,
Bees buzz everywhere,
Birds fly somewhere,
Whatever they do they are free.

Water lilies stay calmly,
Orchids dance gracefully,
Grasses spread happily,
But still, the plants seem lonely.

Teachers teach student,
Doctors care children,
Officers guide fellowmen,
Every people have tasks.

Pencils help us to write,
Papers consist of notes,
Shoes lead us to our path,
Anything is important in earth.

Living things live in the world,
Things come from the environment,
Let us combine all of this and,
We will have endless peace.




Ang Dahilan


Ngayon ay nasa ikatlong taon na ako
Hindi ko naisip na hahanga muli ako
Hindi ko naisip na may hahangaan pa akong iba
Bukod kay Tayger na aking kaklase.
Hindi ako makata
Hindi ako manunulat
Sa totoo lang ako ay isang nagdadalaga na humahanga
Sa isang taong may bagong mukha.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili
Kung bakit siya ay aking nagustuhan
Dahil noong una ko siyang makita
Wala akong paki alam sa kanya.
Pero tandang-tanda ko pa
Noong kakwentuhan ko
Ang aking mga kaibigan
Na kanyang mga kaklase.
Nasa silid aklatan kami noon
Katatapos lamang ang aming klase
Tatlo kaming magkakasama
Nang bigla akong lumingon.
Hindi ko alam kung nagkamali lang ako ng tingin
Pero napansin kong nakatutok sa amin
Ang kanyang "cellphone"
Inisip kong nagkamali lang ako ng pagtingin.
Ngunit, simula noon ay di ko na siya makalimutan
Lagi ko siyang hinahanap hanap
Gusto ko siyang makita lagi
Gusto ko siyang maging kaibigan.
Nang isang hapon
Nagmamadali akong pumasok sa silid aklatan
Upang kunin ang aking mga gamit
Dahil magbabayad ako ng aking tuition.
Di ko sinasadya na mabunggo
Ang isang kong hinahangaan
Si Ban na may bagong mukha
Nagulat ako sa pangyayari.
Nagsalita ako ng "sorry"
Pagkalipas ng ilang segundo
Nagsabi rin siya ng "sorry" sa akin
At ako ay umalis na roon.
Kinabukasan, nag-iintay ako sa benches
Kasama ang aking mga kamag-aral
Nakita ko si So
At kami ay nagkatinginan.
Natuwa ako
Dahil nagkatinginan
Kaming dalawa
At pinamahagi ko sa aking mga kaibigan iyon.
Ngunit isang hapon
Si Ban
May kasamang iba
Nainggit ako.
Ngunit ano ang aking karapatan?
Wala akong karapatan
Pero di ko mapigilan
Ang aking sarili.
Sumama ang loob ko
Nalungkot ako
Sumama ang pakiramdam ko
Dahil sa aking nakita.
Ganun pa man
Hinangad ko silang makita muli
Ngunit wala sila noong araw na iyon
Pero may nakuha ako.
Ang numero ni So
Maligaya ako
Pero ayaw ko siyang itx
Dahil hindi pa naman kami magkakilala.
Ang aking paghahangad
Na makilala niya ako
Natupad na rin sa wakas
Salamat sa aking kaibigan.
Dumating ang araw ng audition
Pinilit kong tumakas
Dahil pakiramdam ko
Ako ay hindi pa handa.
Pinagtulakan nila ako
Sa loob ng silid aralan
Para mag audition
Nang biglang dumating sila.
Hindi ko alam ang aking gagawin
Nang pumasok sila sa loob
Paano na ako?
Mapapanood nila ako.
Hindi
Hindi ito maari
Ngunit ano ang aking
magagawa?
Hindi ako pwedeng
Tumakbo palabas
Kumanta, sumayaw ako
Sa harap nila.
Hiyang hiya ako
Hindi ako makapag konsentrasyon
Dahil naroon sila sa loob
Pero natapos ko ang aking audition.
Sa unang pagkakataon
Nabati ko siya ng simpleng "Hi"
Sa harap ng aking kaibigan at ni Ban
Natuwa ako.
Sa hapon
Pinakilala ulit ako sa kanya
Nagkausap kami ng sandali
Pero masaya na ako.
Nakatabi ko na rin siya sa silid aklatan
Ngunit hindi ko siya magawang kausapin
Dahil may kasama siya
Nahiya akong batiin siya.
Kinabukasan
Hinila ako ng aking kaibigan
Papunta sa kanya
Wala akong magawa.
Pinakilala niya ako ulit
Pero hindi ko inaasahan
Na magshakehands kaming dalawa
May naramdaman akong tuwa at kilig.
Sana dumating ang araw
Na maging magkaibigan
Kaming dalawa
Gusto ko siyang maging kaibigan.
Siya ang nagbibigay ng kakaibang ligaya sa akin
Sa tuwing naiisip ko siya
Hindi ko mapigilan ang aking sarili
Na mapangiti ng dahil sa kanya.
Kapag may problema ako
Makita ko lang siya
Mangitian lang niya ako
Nawawala na ang aking mga suliranin.
Ang aking kahilingan
Sana maging matalik kaming magkaibigan
Maging kaibigan ko lang siya
Masaya na ako.
Siya ang dahilan ng aking pagbabago
Mula sa tahimik
Hanggang sa pagiging masayahin
Siya ang dahilan ng lahat ng ito.

Sa Kanya
Sa isang simpleng silid aralan
Nag-iisip, ginugunita ang mga paraan
Na naaayon sa aking kagustuhan
Upang kasiyahan ay maramdaman.
Dahil sa kanya ako ay laging masaya
Dahil sa kanya ako ay maligaya
Dahil sa kanya ako ay natutuwa
Nagbago ang mundo ko dahil sa kanya.
Sa tuwing naaalala ko siya
Ako ay nakakaramdam ng saya
Nalilimutan ko ang mga problema
Nag-iiba ang lahat dahil sa kanya.
Noong nagkahawak kamay kaming dalawa
Gusto kong tumalon at magsaya
Gusto kong ipagdiwang ang pangyayari
Hangad kong maging magkaibigan kami.
Sa kagustuhan kong siya ay masilayan
Lagi akong pumupunta sa silid-aklatan
Siya ang aking inspirasyon
Sa aking sinulat na tula ngayon.




I and my younger brother < 8 years ago>

About The Poet

I am Zayda Agno Vergara who is studying at University of Santo Tomas High School. I am sophomore student and my section is St. Bartholomew. I live at #1831-D Maria Natividad St. Sta. Cruz, Manila. My Birthday is July 15, 1991. My favorite subjects are Mathematics and English.
Do you know my Hometown? The truth is i am just PROBINSIYANA. I spent my childhood in my beloved town which is GUINAYANGAN, QUEZON. This is the place where I feel different kinds of emotions: joy, sorrow, sadness and etc. I juz graduated from a public school..luckily i passed here in USTHS. I left many friends there, but i still remember here in my heart. Coz they are still parts of my memories.
Repost fromZayda Vergara's Friendster Blog
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...